LOURDES SCHOOL OF MANDALUYONG

A Catholic, Filipino, and Marian Capuchin-Franciscan School

ESTABLISHED 1959

Contact us

LOURDES SCHOOL OF MANDALUYONG

Shaw Boulevard,Greenhills Mandaluyong City 1152

Admin & Fax No.(631-1921) - (631-6310)

Registrar: 6339443

Grade School Department: 632-9547

High School Department: 631-6356

Senior High School Department: 637-1961

Smart/TNT: 0939-4960053 

Globe/TM: 0997-6457484 

Email: Info@lsm.edu.ph

Hours: Monday - Friday: 7:30 AM to 4:00 PM

NEWS

Araw ng Kalayaan, ipinagdiwang

Ni: Ilao Myrson

To further strengthen the role as proclaimers of the Gospel, Lourdesians attended the Philippine Conference on New Evangelization 4 (PCNE 4) with the theme “Of One Heart and Soul” in the University of Santo Tomas (UST) last July 28 to 30..

Pinangunahan ng ating Pangalawang Pangulo, si Kgg. Maria Leonor G. Robredo, kasama ang Kalihim ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas na si Kgg. Alan Peter Cayetano ang seremonya sa ika-119 na Araw ng Kalayaan sa Luneta sa Lungsod ng Maynila.

Sa ganap na ika-8 ng umaga inumpisahan ang seremonya sa pagtataas ng Bandila ng Pilipinas habang inaawit ang Lupang Hinirang. Matapos nito, isinagawa ang pag-aalay ng bulalak sa monumento ni Gat Jose Rizal. Marami ang mga dumalong kasapi ng pamahalaan tulad ng dating pangulo at kasalukuyang alkalde ng Lungsod ng Maynila, si Kgg. Joseph Ejercito Estrada. Dumalo rin dito ang pinuno ng iba’t ibang ahensya at organisasyon.

Kaakibat din ng selebrasyon ng Araw ng Kalayaan ay ang pagkakaroon ng medical mission, job fair at pagpapaalam ng mga adhikain at gawain ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan. Gayundin, libre ang tumungo sa mga museo at pasilidad sa pasyalan ng Luneta.

Inilunsad din sa araw na ito ang libreng WiFi sa EDSA. Gayundin, nagbigay ng libreng sakay ang pamahalaan sa mga gagamit ng LRT at MRT sa ganap na 7:00 hanggang 9:00 ng umaga at sa 5:00 hanggang 7:00 ng hapon.  

Naging tulay ang ika-119 na pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan upang ipakita ng pamahalaan ang mga proyektong inilunsad at patuloy na inilulunsad para sa pag-unlad ng bansa. Bukod pa rito, nagsilbi itong isang pagkakataon upang malaman ng mga kabataan ang hirap, pawis at sakripisyo para makamit ang kasarinlan ng bansa kahit na sumasailalim ito sa krisis sa Lungsod ng Marawi.

Copyright © 2018 Lourdes School of Mandaluyong