LSM GS Buwan ng Wikang Filipino 2024 Launching – August 12, 2024

Opisyal nang binuksan ng Lourdes School of Mandaluyong ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2024 sa Mababang Paaralan kaninang umaga, matapos ang General Assembly, na may temang “𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨: 𝐖𝐢𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚.” Pinangunahan ito ng Kagawaran ng Filipino sa pamumuno ni G. Lester Q. Guanzon, tagapag-ugnay ng Filipino.

Nagkaroon ng maikli ngunit makabuluhang programa, na binuo ng pagpapaliwanag sa tema ng Buwan ng Wika, isang pagtatanghal ng Pilipinong awitin mula kay Master Rod Jacob Flores ng ika-anim na baitang, at ang paglalahad ng mga gawain at paligsahan para sa primary at intermediate level.

Nagbigay kulay at saya ang malikhaing kasuotang pang-ulo ng mga mag-aaral sa Brother Juniper Square. Nagtapos ang programa sa isang kultural at modernong pagtatanghal mula sa mga guro ng Filipino.

Kaisa ang Lourdes School of Mandaluyong sa pagpapaigting ng pagpapahalaga, pagmamahal, at paggamit ng wikang Filipino, bilang bahagi ng pagpapalakas sa diwa ng pagkakaisa at pagmamalasakit ng bawat Lourdesiano.

Leave a Reply